Mga Taga-Roma, kabanata 3
Batayang teksto: tekstong minarkahang SBL sa TAGNT · hindi isinasama ang mga salita mula sa ibang edisyon · Pantulong sa pagbasa ang romanisasyon, hindi IPA; maaaring mag-iba ang bigkas ayon sa tradisyong pang-akademiko o panrelihiyon.
1
TGLULB
ROM 3:1
Kung gayon, ano ang kalamangan ng Judio? At ano ang mapapakinabangan sa pagtutuli?
2
TGLULB
ROM 3:2
Napakarami sa anumang paraan. Una sa lahat, ipinagkatiwala sa mga Judio ang mga pahayag mula sa Diyos.
3
TGLULB
ROM 3:3
Ngunit paano kung walang pananampalataya ang iba sa mga Judio? Ang kawalan ng pananampalataya nila ay nagpapawalang bisa ba sa katapatan ng Diyos?
4
TGLULB
ROM 3:4
Hindi kailanman mangyayari. Sa halip, tapat ang Diyos kahit na ang bawat tao ay sinungaling. Gaya ng nasusulat, “Upang ikaw ay makitang matuwid sa iyong mga salita at mananaig kapag ikaw ay mahatulan.”
5
TGLULB
ROM 3:5
Ngunit kung ang ating pagiging hindi matuwid ang nagpapakita ng katuwiran ng Diyos, ano ang sasabihin natin? Matuwid ba ang Diyos kapag pinahihirapan tayo dahil sa poot, matuwid ba siya? Nagsasalita ako ayon sa pangangatwiran ng tao.
6
TGLULB
ROM 3:6
Huwag nawa ito mangyari! Sapagkat kung ganoon, paano hahatulan ng Diyos ang sanlibutan?
7
TGLULB
ROM 3:7
Ngunit kung ang katotohanan ng Diyos sa pamamagitan ng kasinungalingan ko ay nagbibigay ng saganang kapurihan sa kaniya, bakit pa ako hinahatulan bilang isang makasalanan?
8
TGLULB
ROM 3:8
Bakit hindi nalang sabihin, gaya ng walang katotohanang ulat ng iba na sinasabi daw namin, at gaya ng pinatotohanan ng iba na sinasabi namin, “Gumawa tayo ng masama, upang dumating ang kabutihan?” Ang hatol sa kanila ay makatarungan.
9
TGLULB
ROM 3:9
Ano ngayon? Sasabihin ba nating mas mabuti tayo? Hindi sa anumang paraan. Sapagkat pinaratangan na natin ang mga Judio at Griyego, silang lahat, sa pagiging nasa ilalim ng kasalanan.
10
TGLULB
ROM 3:10
Ito ay gaya ng nasusulat: “Walang matuwid, wala ni isa.
11
TGLULB
ROM 3:11
Walang nakauunawa. Walang humahanap sa Diyos.
12
TGLULB
ROM 3:12
Silang lahat ay nagsilihis. Silang lahat ay naging walang silbi. Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.
13
TGLULB
ROM 3:13
Ang kanilang lalamunan ay tulad ng isang bukas na libingan. Ang kanilang mga dila ay mayroong panlilinlang. Ang kamandag ng ahas ay nasa kanilang mga labi.
14
TGLULB
ROM 3:14
Ang kanilang mga bibig ay puno ng pagmumura at kapaitan.
15
TGLULB
ROM 3:15
Ang mga paa nila ay matutulin upang magdanak ng dugo.
16
TGLULB
ROM 3:16
Pagkawasak at pagdurusa ang nasa kanilang mga landas.
17
TGLULB
ROM 3:17
Ang mga taong ito ay walang alam sa daan ng kapayapaan.
18
TGLULB
ROM 3:18
Walang pagkatakot sa Diyos sa kanilang mga mata.”
19
TGLULB
ROM 3:19
Ngayon ay nalalaman natin na anuman ang sinasabi ng batas, ito ay sinasabi sa mga taong nasa ilalim ng batas. Ito ay upang matikom ang bawat bibig at upang ang lahat ng nasa sanlibutan ay may pananagutan sa Diyos.
20
TGLULB
ROM 3:20
Ito ay dahil walang laman ang mapawawalang-sala sa pamamagitan ng batas sa paningin niya. Sapagkat sa pamamagitan ng kautusan ay dumating ang kaalaman sa kasalanan.
21
TGLULB
ROM 3:21
Ngunit ngayon, naipaalam na ang katuwiran ng Diyos ay hindi sa pamamagitan ng kautusan. Ito ay nasaksihan ng kautusan at ng mga propeta,
22
TGLULB
ROM 3:22
ito ay, ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo para sa lahat ng mga naniniwala. Sapagkat walang pagtatangi.
23
TGLULB
ROM 3:23
Sapagkat ang lahat ay nagkasala at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.
24
TGLULB
ROM 3:24
Sila ay napawalang-sala nang walang bayad ng dahil sa kaniyang biyaya sa pamamagitan ng katubusan na nakay Cristo Jesus.
25
TGLULB
ROM 3:25
Sapagkat ipinagkaloob ng Diyos si Cristo bilang pampasuyo sa pamamagitan ng pananampalataya sa kaniyang dugo. Inialay niya si Cristo, bilang patotoo sa kaniyang katarungan, dahil sa kaniyang hindi pagpansin sa mga nakaraang kasalanan
26
TGLULB
ROM 3:26
sa kaniyang pagtityatiyaga. Nangyari ang lahat ng ito para sa pagpapakita ng kaniyang katuwiran sa panahong ito. Ito ay upang kaniyang mapatunayan na siya ay makatarungan at upang ipakitang pinapawalang-sala niya ang sinuman dahil sa pananampalataya kay Jesus.
27
TGLULB
ROM 3:27
Kung gayon, nasaan ang pagmamalaki? Ito ay inihiwalay na! Sa anong batayan? Sa mga gawa? Hindi, kundi batay sa pananampalataya.
28
TGLULB
ROM 3:28
Kaya masasabi natin na ang isang tao ay napawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya na wala ang mga gawa ng kautusan.
29
TGLULB
ROM 3:29
O ang Diyos ba ay Diyos ng mga Judio lamang? Hindi ba't siya rin ay Diyos ng mga Gentil? Oo, pati ng mga Gentil.
30
TGLULB
ROM 3:30
Kung magkagayon nga, na ang Diyos ay iisa, ipawawalang-sala niya ang pagtutuli sa pamamagitan ng pananampalataya at hindi pagtutuli sa pamamagitan ng pananampalataya.
31
TGLULB
ROM 3:31
Pinapawalang-bisa ba natin ang kautusan sa pamamagitan ng pananampalataya? Huwag nawang mangyari! Sa halip, pinapagtibay pa nga natin ang kautusan.
Batayang teksto: Lumang Tipan TAHOT Qere · Bagong Tipan tekstong minarkahang SBL sa TAGNT · STEP Bible Data (Tyndale House Cambridge/STEP Bible), CC BY 4.0 · Elektronikong diksiyonaryo ng Open Scriptures Strong’s, CC-BY-SA (source version not specified) (Nasa pampublikong domain ang 1890/1894 na orihinal ni Strong)
Tagalog Unlocked Literal Bible © 2018 Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · CC BY-SA 4.0
Tagalog Unlocked Literal Bible © 2018 Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · CC BY-SA 4.0